Tuesday, May 20, 2014

The Richest People

BAKIT KA MAHIRAP, AKO MAYAMAN?
Mukhang mayabang ang dating ng title pero pinagisipan kong maigi yan. Bago ka mayabangan sa akin basahin mo na muna ito kasi panigurado ikaw din mapapaisip "bakit nga ba?" hahaha...
Maraming tanong sa akin isipan noong bata pa ako bakit ganon ang dami-daming mahirap? bakit kami mahirap? bakit sila mahirap? bakit sila mayaman? bakit kami hati-hati sa pagkain? bakit sila sobra sobra ang kinakain? maraming tanong tungkol sa ganyan topic. Marami din namang sagot..."kasi nakapagtapos ng pagaaral, kasi mayaman ang magulang nila, kasi nagaral sila ng maigi, kasi matalino sila."
Pero ang sagot ba sa pagyaman e kailangan nakapagtapos ka?so kapag hindi ka pala tapos sa pagaaral magiging mahirap ka pwedeng oo pwedeng hindi. Mahalaga ang edukasyon dahil ito ang humuhubog sa ating pagkatao pero pano kung hindi ka nga nakapagtapos? hindi ka na pwedeng yumaman?
Sa panahon natin ngayon maraming tao na yumaman salat naman sa edukasyon minsan nga habang nagaaral palang umaasenso na. Ano ba ang meron sa mga taong ito na nagawa nilang abutin ang kanilang mga Pangarap kahit sila ay nagaaral palang? Oo, tama ka PANGARAP! Lahat ng tao meron niyan pero hindi lahat ginagawa… sad to say pero hanggang pangarap nalang. Tanong! Ikaw ba hanggang pangarap ka nalang ba?
Maraming tao sa mundo, actually lahat naman talaga e may mga pangarap sa buhay na gustong makamit kaso di na sila gumagawa ng paraan para maabot ito kasi sa mga kadahilanan:
1) mahirap lang kami
2) hindi ako nakapagaral
3) para sa mga mayayaman lang iyan
4) libre lang mangarap
5) sasaktan ko lang ang sarili ko pag ginawa ko pa yan
6) saka na busy ako magsaka para sa pamilya ko
at kung ano ano pang dahilan na nasa isip mo. May nakausap akong isang tao at talagang namulat ang aking kaisipan dito kasi matagal na natin tong naririnig pero hindi natin gaano binibigyang halaga.
“pag gusto may paraan pag ayaw maraming dahilan.”
Tama nga naman pansinin mo ito. Ang mahirap puro dahilan kesyo ganito ganyan pero ang mayaman nagiisip ng paraan. Tanong! anong utak meron ka? utak mahirap? o utak mayaman? Actually naiintindihan naman talaga kita kasi nuong una ganyan din ako..pansinin mo itong salitang to
“poor people always focus on problems while rich people always focus on the solution”
Diba ganyan tayo kahit sabihin natin ang estado natin ngayon e hindi naman mahirap hindi naman mayaman sakto lang. Pero di ibig sabihin walang problema ang mayaman may problema din yan pero hindi iyon yung tinitignan nila nagiisip sila ng solusyon. Lagi tayo si dahilan wala naman masama kasi hindi naman ako nawalan kung magdadahilan ka. Lahat ng nangyayari sa buhay natin ngayon e wag tayo magalit kasi lahat yan choice natin dapat tanggapin natin kung hindi natin makuha ang mga gusto natin sa buhay e kailangan yata tignan muna natin ang ating mga sarili baka may mali.
“Lahat ng nangyayari sa buhay natin e choice natin kaya wag natin sisihin ang tao sa paligid natin.”
Lagi ko sinasabi nasa tamang attitude lang iyan. Kung ikaw lagi ka positive sa buhay at lagi ka nakangiti at lagi ka ngprapray panigurado maganda mangyayari sa buhay mo kahit na akala ng iba panget sayo maganda pa din. Paano iyun? Parang ganito yan e. nuong umattend ako ng isang seminar, sabi sa amin ngayong araw na ito! wag na wag kang sisimangot! lagi ka dapat nakangiti wag na wag ka magrereklamo!! Huwag ka magiisip ng kung anong negative! Always think POSITIVE! Natuwa ako kasi tama naman sinabi niya. Habang pauwi ako naglalakad ako maulan nakangiti ako masyadong madilim sa GMA kamuning sasakay ako ng bus umuulan pa..pero stay positive pa din habang naglalakad ako sa madilim na kalsada nahulog ako sa imbornal shoot ang paa ko kadiri nakakatawa kung ikaw nasa sitwasyon ko magagawa mo pa din ba ngumiti? Siguro hindi na. Pero nung nahulog ako nakangiti pa din ako natawa ako sa nangyari at di ako nagalit maaring iniisip mo weh? pero totoo hindi ako nagalit natawa pa nga ako kasi angbaho ko! haha. Kinabukasan ganun pa din nakangiti pa din ako maraming nagulat sa pagbabago...kinausap nila ako at marami akong nakausap at nakwentuhan at may nangyari nung araw na iyon na di ko inaasahan na ganuon kalaki. Secret ko na iyon syempre..simple lang. Kapag lagi ka nakangiti at positive iyung mukha mo tingin mo maraming kakausap sayo? Syempre naman. Kapag nakasimangot ka kaya? Tingin mo may kakausap sayo? Marahil wala unless may gusto sayo yung kapitbahay mo. Anyways, balik tayo. Sabi sa quote wag natin sisihin ang tao sa paligid natin. Simple lang wag mo sisihin ang magulang mo kung mahirap kayo, kasalanan pag nabuhay kang mahirap at namatay kang mahirap. Grabe isipin mo naman nabuhay ka ng ilang taon 20, 30, 40, 50, 60 o 70 tas wala ka man lang ginawa?? tingin mo matutuwa sayo ang panginoon sa ginawa mo? Hinde! minsan ka na nga lang nabuhay actually isang beses ka lang nabuhay hindi mo pa pinaghusayan!?
“For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”
Isa sa mga magandang pangako ng Lord sa atin kaso ang problema sa atin puro tayo dahilan napansin mo ang dami dami nating gusto sa buhay pero ang tanong gumagawa ka ba ng paraan para makuha iyon? Hindi hadlang ang kahirapan o salat sa edukasyon para umasenso sa buhay. manny pacquaio, charice pempengco, efren reyes etc. maraming tao pag tinanong mo sila lahat sila mahirap noon pero hindi nila hinayaan na maging mahirap sila gumawa sila ng paraan kasi naniwala sila at hindi nila pinakinggan ang mga tao sa paligid nila tamang attitude iyon. Lagi natin pinagtatawanan ang mga depekto sa kanila pero ok lang mayaman naman sila ikaw tagaasar lang walang mangyayari. Lagi ka nagprapray sa panginoon totoo naman ung kasabihan na nasa diyos ang awa nasa tao ang gawa pero ano nga ba yun? pano mo malalaman na yun na yun? hindi matagal sumagot ang panginoon ang bilis nga e hindi mo lang pinapansin kasi iba ung gusto mo. Pero tignan mo tanggihan mo man ang isang bagay may darating ulit. nakakapagtaka noh? wag ka magtaka ginusto mo iyan e. Ayaw mo lang tanggapin kasi may ganito ka PRIDE at DUDA. Tandaan mo everytime na nagsasalita tayo at may gusto tayong makuha at kung ano man pinagdadasal natin lagi natin tandaan may nakikinig.
“Call to me and I will answer you and tell you great and unsearchable things you do not know.”
Kapag nagdasal tayo sa Panginoon hindi binibigay direkta ng Panginoon yung gusto natin hindi yan ” o anak eto na ang susi ng kotse mo” ” o anak eto na yung isang sako ng bigas” hindi ganoon iyon sumasagot ang Panginoon sa pamamagitan ng tao din o opportunity pinapakita ng Lord ang pagmamahal niya sa atin sa pamamagitan ng tao din xempre Pano? pag ikaw ba nabilaukan sino nagaabot sa iyo ng tubig? si Lord ba? hinde tao din pag ikaw ba nasaktan sino nagcocomfort sayo? diba tao din? pag ikaw nasa ospital? Sino dadalaw sayo? spiritually si Lord pero physically tao. diba? so pag gusto natin ng pagbabago sisimulan natin sa sarili natin pero gagamit si Lord ng tao para tulungan tayo magbago. Diba? kaya wag tayo masyado masungit pag may taong lumalapit sa atin wala naman masama makinig malay mo iyon na yun? Lahat ng bagay sa mundo paghihirapan natin kasi gusto natin makuha iyon. Lagi natin tatandaan “NO ONE CAN STOP THE PERSON WHO BELIEVES” Totoo yan kaya simula ngayon! magtiwala ka lang sa sarili mo na kaya mo makamit ang pangarap mo sa tulong ng panginoon at ng tao na malapit sa iyo! actually mapalad tayo alam mo kung bakit kasi tayong mahihirap no choice tayo kung hindi umangat tama diba? e yung mga mayayaman? nagpapayaman nalang kaya kung gusto mo ng pagbabago gawin mo na ngayon wag bukas wag mamaya wag next week as in ngayon! NOW na!

No comments:

Post a Comment