Wednesday, April 23, 2014

Expenses VS Savings

Tama or TOTOO? Madalas nga wala na ngang Savings kulang pa. Hindi man tayo AWARE ngayon kung ano ang mangyayari bukas,sana magkaroon tayo ng HINT or AWARENESS na tatanda rin tayo. Na dapat may Emergency fund rin tayo. Alam naman natin na unang panganagilangan natin ang pera in terms of material things dahil ito ang nagsu-supply ng needs natin. Kung may work man tayo ngayon, makes sure na i-DUPLICATE natin ang ugali ni Langgam, mag-impok habang may lakas pa, mag-impok habang bata pa. Para pagdating ng Tag-ulan meron tayong emergency fund. Hindi na tayo mangungutang. Dahil ang taong matipid, kalaban ng bombay( hehehe) Pero ang taong gipit sa bombay kumakapit. Make sense? duh?!
Kaya may mga iilan dyan na magkaibigan na nauwi sa hiwalayan/awayan dahil sa UTANG. Ok lang naman na gumastos sa mga luho kung yung sahod mo e malaki. Pero kung ang sahod mo eh kulang pa sa mga pangangailangan mo, wag mo ng tustusan ang bisyo mo. Tama? Pero madalas, kahit walng pera mangungutang para pambili ng blings post sa facebook para ipakita sa world ang bagong biling mga blings.
Matutong mag-IMPOK ng pera hindi UTANG ang iniimpok natin. Makonsensya tayo sa ating inutangan dahil pinaghirapan nila yun tapos uutangin mo lang para sa hindi naman importante. Hindi naman masamang mangutang basta marunong lang magbayad, yung tipong hindi na sisingilin.
Kaya ang moral LESSON: Pakibasa ang kwento ni Langgam at Tipaklong.
Habang bata ka pa, mag-ipon na. Be Practical , gayahin si Lumen WAIS. Mga babaeng WAIS, nakaka-admire talaga.

No comments:

Post a Comment